Mula sa mga Igorot ng Cordillera hanggang sa mga Lumad sa Mindanao, hitik ang ating kasaysayan at kolektibong karanasan sa mga taong nag-alay ng buhay dahil sa pag-ibig sa kapwa, sa bayan, at sa Dios. Marami sa kanila ay mananampalataya-- mayroong humawak ng sandata upang ipagtanggol ang bayan, ang mga anak, ang buhay laban sa mga puwersang mapang-api at sakim; mayroong namang hindi. Si Andres Bonifacio ang pangunahing halimbawa ng unang grupo, si Jose Rizal naman ang sa pangalawa.
Maliwanag ang koneksyon ng mga kuwento ni Rizal sa kanyang pagkakabaril sa Bagumbayan bilang kaaway ng imperyong Kastila. Ang hindi maliwanag sa maraming Kristiyano ay ang koneksyon ng mga kuwento ni Jesus sa kanyang pagkakapako sa krus bilang kaaway ng imperyo ng Roma. Lumaki tayo sa mga parabola ni Jesus subalit ang nakagisnang interpretasyon ng karamihan sa atin, na galling sa mga paborito nating Amerikano at Europeong iskolar at komentaryo, ay makalangit ang mga kuwentong ito at walang koneksyon sa pang-araw-araw na buhay at pakikibaka ng mga tao. Hindi kasi tayo mahilig magbasa ng bibliya. Ang binabasa natin mga libro tungkol sa bibliya. Sa halip na basahin natin ang Lumang Tipan, ang alam na alam natin ang interpretasyon ni Bernhard Anderson. Sa halip na basahin natin ang Bagong Tipan, ang halos memorize na natin ang komentaryo ni Raymond Brown. Marami sa ating mga simbahan, Purpose Driven Life ang textbook!
Now if we read our bible and prayed everyday, unti-unti nating mapapansin na tuwing nagku-kuwento si Jesus, nagpupuyos sa galit ang mga lider ng relihiyon at politika. Kagaya ng mga prayle noong panahon ni Rizal. Sabi nga ng maraming eksperto sa kuwento, “myths are stories that create order, parables, on the otherhand, are stories that subvert order.” Parables are subversive speech. Ang parabola ay nagbabaligtad ng status quo. Ang mga kuwento ni Jesus, hindi tungkol sa langit, kundi tungkol sa kaharian ng Dios dito sa lupa. Ang mga kuwento ni Jesus ang mga bida yung mga kontrabida sa mata ng mga lider ng relihiyon at politika. Ang mga kuwento ni Jesus nangangako ng bagong umaga sa mga kapus-palad at inaapi, nagbibigay ng babala sa mga nasa-posisyon at sakim sa kapangyarihan. Ang mga kuwento ni Jesus ang dahilan kaya siya pinapatay.
Bakit ba napunta sa Hades ang mayaman na may mataas na tarangkahan sa parabola sa Lukas 16? Kung babasahin natin ang buong ebanghelyo, maliwanag ang sagot: hindi puwedeng maging bahagi ng kaharian ng Dios ang mayaman. Mula pa lang sa unang sermon ni Jesus sa sinagoga sa Nazareth sa Lukas 4 sinabi niya na siya ay sinugo para dalhin ang mabuting balita ng pagkalinga ng Dios sa mga mahihirap, sa mga inaalipin, sa mga bulag, at mga api. Unang sermon pa lang ni Jesus muntik na siyang mapatay, muntik na siyang ihulog sa bangin ng mga tinamaan niya.
Sa Lukas 6, mas matalim ang sermon niya—ang kaharian ng Dios ay para sa mahihirap, para sa mga nagugutom at mga umiiyak—hindi para sa mayayaman at mga busog. Sa Lukas 11, may parabola—tungkol sa mayamang hangal. Sa Lukas 18, may mayamang gustong sumunod kay Jesus pero umaatras. Alam na natin kung bakit. Kung susundin niya si Jesus ay mawawala lahat ng kayamanan niya. Ang kaisa-isang mayaman na sumunod kay Jesus sa Lukas, si Zakeyo sa kabanatang 19, pinamigay lahat ng kayamanan—kalahati para sa mahihirap at apat na ulit, 400% kabayaran sa lahat na kanyang niloko at ninakawan.
It is easier for a camel to go through the eye of a needle than for someone who is rich to enter the kingdom of God.
Ang pinakamayaman sa panahon ni Jesus ay ang mga puno ng relihiyon at politika. Sila ang proud na tawaging ama si Abraham. Sila ang mga love ni God. Sila na mamahalin ang suotin. Sila na nagpi-pista araw-araw. Sila yung siguradong-siguradong ligtas sila at pupunta sila sa kanlungan ni Amang Abraham. Sila na nakalimot na hindi mo puwedeng mahalin ang Dios kung hindi mo mahal ang kapwa mo. Sila na nakalimot na hindi ka puwedeng yumaman kung talagang mahal mo ang kapwa mo. Sila na kayang-kayang magpista araw-araw sa loob ng naggagandahang mga bahay, mga opisina, mga templo na protektado ng nagtataasang mga trangkahan at bakod, habang ang mga pulubi’y naghihintay ng mumo sa labas, habang nagugutom ang mas nakararami... Sa kuwento ni Jesus, sila ang pupunta sa impiyerno.
Sigurado akong maraming tumangis, maraming umiyak ng mamatay ang mayaman sa parabola ni Jesus. Mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kasosyo sa relihiyon at politika, mga binayaran para umiyak… marami. Sigurado rin akong magarbo ang libing niya. Si Lazaro namatay sa kadukhaan. Ni walang karamay. Malamang mga asong kalye ang mga huling saksi sa mga huling hininga niya. Si Lazaro namatay, ni hindi nailibing, kagaya ng hindi mabilang na Lazaro sa mundo, mga Lazaro dito sa Pilipinas... namamatay dahil sa gutom, dahil sa malnutrition, dahil sa simpleng sakit na hindi malunasan dahil sa sobrang mahal na gamot…
Alam na natin kung bakit inihatid ng mga angel si Lazaro sa kanlungan ni Abraham. Basahing nating muli ang ebanghelyo ni Lukas: ang mabuting balita ng pag-ibig at pagkalinga ng Maykapal ay para sa mga dukha, para sa mga Lazaro. Lahat ng Lazaro sa mundo ihahatid ng mga angel sa kanlungan ni Abraham.
Ang pangalang Lazaro ay Griyego ng Hebreong Eliezer. Ang sabi ng kasulatan, si Lazaro ay dukha, pulubing nakahandusay sa may tarangkahan ng mayaman, umaasa sa mga mumo, kasama ang mga asong kalye na dinidilaan ang kanyang mga sugat. Maraming Lazaro sa mundo—walang maaasahan kundi ang Dios, walang matatawagan kundi ang Dios, walang karamay kundi ang Dios, walang tutulong kundi ang Dios. Iyan, mga kapatid, ang ibig sabihin ng Lazarus o Eliezer—siya na tutulungan ng Maykapal; siya na ang Dios lang ang pag-asa.
Kaya nga sa takdang panahon, nagkatawang tao ang Dios upang dinggin ang iyak nila na siya lang ang tanging pag-asa. Ang buong buhay ng ating Panginoong Jesus ay inihandog para sa kanila. Tayo naman ay tinawag at patuloy na hinahamon ng ating panginoon upang sundan ang kanyang mga yapak—sa paglilingkod, sa pakiki-isa, at sa pag-aalay ng buhay para sa mga Lazaro.
Ang hamon sa atin ay gumawa ng mga tulay ng kalayaan, ng pag-asa, ng hustiya, ng ginhawa, ng pagkakapantay-pantay. Subalit hindi madaling gumawa ng tulay. Lalong-lalo na, hindi maaaring gumawa ng tulay mula sa gitna—“no one builds a bridge from the middle.” Sinusuka ng Dios ang nasa gitna. We need to take sides. Alam natin yan. Napag-aralan na natin iyan—“preferential option for the poor.” Pero marami sa atin hindi natin yan ginagawa. Kailangan tayong pumili, sa mga Lazaro ba ng mundo o sa mga mayayaman?
Kilala ng mga mayayamang puno ng relihiyon at politika sa panahon ni Jesus kung sino si Lazaro o Eliezer. Maliwanag ang kuwento sa aklat ng Henesis. Siya ang tapat na katiwalang dayuhan ni Abraham; katiwalang muntik nang maging tagapagmana. Subalit para sa mayayaman sa panahon ni Jesus, sila lang ang mahal ng Dios, sila lang ang tagapagmana, sila lang ang puro ang dugo--silang mga anak ni Isaac. Hindi puwede ang mga anak ni Ishmael—mga bastardo sila; lalong hindi puwede ang mga anak ni Lazaro, anak sila sa labas, banyaga, hindi karapat-dapat. Maliwanag ang nasa parabola ni Jesus—dinala ng mga anghel sa kanlungan ni Amang Abraham si Lazaro.
Ang buong buhay at ministeryo ni Jesus ay tanging alay para sa mga Lazaro ng mundo--ang totoong tagapagmana ng kaharian ng Dios. Sana tayo rin. Dapat tayo rin.
Reading the Bible inside a Jeepney: Celebrating Colonized Peoples' capacity to beat swords into ploughshares, to transform weapons of mass destruction into instruments of mass celebration, mortar shells into church bells, teargas canisters to flower pots, rifle barrels into flutes... U.S. Military Army Jeeps into Filipino Public Utility Jeepneys.
Wednesday, September 22, 2004
Tuesday, September 21, 2004
Reading Matthew... part 3
Look at how the pais is described in Greek, "ho pais mou," "the servant who is mine." That child's body is under somebody else's control- whether it's his father, his owner, and, as I argue elsewhere, his pedophile. The centurion's act on the pais' behalf emphasizes the latter's marginalization. As far as the text is concerned, the pais cannot speak or seek his own healing. Yet, that child because he is "paralyzed," albeit momentarily, paralyzes not just his owner-who thus seeks help from Jesus-but also the imperial expansions (the goings and the comings) in Matthew. Throughout the gospel, characters come and go, border crossings are effected: magi from the East come seeking the king of the Jews (2:1-12); Joseph and his family flee into Egypt (2:13-15); Herod sends his death squads to Bethlehem to murder children (2:16-18); Joseph and his family go to Nazareth, from Egypt (2:19-23); Jesus goes to John the baptizer and is led by the Spirit into the wilderness (3:1-4:11); Jesus leaves Nazareth and makes his home in Capernaum (4:12); the centurion comes to Jesus and the latter is convinced of the imperial authority that effects goings and comings, of travel to distant lands, of control-at-a-distance (8:5-13). The disciples are systematically prepared for their commissioning (10:1-42); the Canaanite woman comes to Jesus (15:21-28); the heavy-laden come to Jesus (11:28). Jesus eventually sends out his disciples at the end (28:16-20). Everyone moves in the story, except the pais in Matthew 8:5-13. Yes, even for a brief moment, the pais revels in the "space" her "paralysis" brings. For about eight short verses, in the very long, twenty-eight chapter Matthean narrative, the pais is free of the centurion, the colonized is free of her colonizer.
Majority of Filipinos remain colonized subjects, a mental colony. Migrant Filipina domestic workers, numbering over 7 million, are the global servants of late capitalism. Tens of millions find themselves squatters in their own homeland. Those who have opted for "The Promise Land," the United States, find themselves treated as second-class citizens. Yet, despite all these, they have always resisted. The jeepney is the best symbol of resistance and decolonization for Filipinos. Now, they have another symbol--the pais in Matthew.
Majority of Filipinos remain colonized subjects, a mental colony. Migrant Filipina domestic workers, numbering over 7 million, are the global servants of late capitalism. Tens of millions find themselves squatters in their own homeland. Those who have opted for "The Promise Land," the United States, find themselves treated as second-class citizens. Yet, despite all these, they have always resisted. The jeepney is the best symbol of resistance and decolonization for Filipinos. Now, they have another symbol--the pais in Matthew.
Subscribe to:
Posts (Atom)
THE CHURCH IS NOT A BUILDING...
Sunday's lection reminds us of Herod the Great's Temple that, according to Jesus, was built from the offerings of widows and other v...
-
Filipinos and their Jeepneys (An Essay in Honor of Valerio Nofuente) “The western mind is so used to having everything planned ...
-
Last words are important to many of us. Famous last words include Jose Rizal’s “Mi Ultimo Adios” and Antonio Luna’s “P---- Ina!” My late ...
-
Mula sa mga Igorot ng Cordillera hanggang sa mga Lumad sa Mindanao, hitik ang ating kasaysayan at kolektibong karanasan sa mga taong nag-ala...