Monday, April 19, 2021

ANG JEEPNEY, ANG PANTRY, AT ANG MASA

Kwento sa atin ng mga lolo't mga lola, Pagkatapos ng digmaan, bayan nati'y nakadapa. Bagsak ang ekonomiya, transportasyon sirang-sira. Sistema ng gobyerno, nakatali sa kapitalismo. Sunud-sunod na pangulo, sunud-sunuran sa Kano. Para makabangon ang bayan, ang jeep ginawang jeepney. Pandigmang sasakyan, ginawang sasakyan ng bayan. Motorsiklo't bisikleta, ginawang tricycle at tri-sikad. Kapag kumilos ang masa, nabubuhay ang pag-asa.


Puna sa sa atin ng mga lolo't mga lola,
Isang taon ng pandemya, bayan nati'y nakadapa.
Bagsak ang ekonomiya, milyon-milyo'y walang-wala.
Sistema ng gobyerno, nakatali pa rin sa kapitalismo
Nakaupong pangulo, ang bossing ay Tsino at Kano.
Para may makain ang bayan, community pantry ay isinilang.
Ang hamon: magbigay ayon sa kakahayan,
Ang tugon: kumuha batay sa pangangailangan.
Kapag kumilos ang masa, nabubuhay ang pag-asa!

#CommunityPantry
#COVID-19
*Image from Rappler

No comments:

THE SONG OF MARY

Mary's Magnificat is probably one of the most powerful prophetic passages in the New Testament. This young woman's God scatters the ...